A mixture of drama, romance, comdey, horror, suspense, thriller and chick flick all rolled into one.
Wednesday, October 2, 2013
Take advantage of..
A few years ago I met someone that became really special to me. We always talk, We laugh, We cry, We... you know and together we made plans. However, something happened and everything changed. In the end, we parted ways but he promised to continue our plans.
Few months after we parted ways, two of his promises were made. Aah! He's serious. A man with one word but we didn't go back to what we were used to be.
A few months ago, he decided to come here in Manila (He's somewhere in South) our communication once again was established. He contacted me and asked if I can help him find a job and a place to live. Since I still have feelings for him and hindi na rin naman siya iba sa akin, I lend my hand to him. After a few weeks he's already stable. I'm happy for him, really I am. Everyday, whenever I see his happy and contented tweets I can't help myself but to be proud of him. I am also happy.
But...
He suddenly stopped talking to me for no apparent reason and god-knows-I-dont-know-why. I saw his pictures from facebook account. Seems like he's starting to meet different people he knew online. I was kinda jealous because isa sa mga ginawa niya and he's friend ay kasama sa plano namin. It drive me mad. I was envious so I texted him. He made sure that we will still do our list and plans. Being the man with one word I trusted him and waited and waited and waited and..... waited.
Few months after, I did not hear anything from him I texted him but no response. Saw his tweets and he still keep on meeting new people online. I was depressed. Seems like he's starting to build a new life.... without me.
The thing is... when he needs me, he sends me SMS. When he need something he talks to me but when he's happy I no longer exists in him.
What did I ever do to you?
I don't want to think na ginagamit mo lang ako but analyzing everything yun ang lumalabas eh.
But you know what's the good news?
Despite of everything I am still here for you. Even if everybody walks out of your life. I am still here waiting for you.
Waiting until you realize my worth for you
*****
I still hope and believe that our plans will be put into action someday... I do
Tuesday, July 2, 2013
Phantasm
Masaya kaming dalawa. Ramdam ng puso kong masaya siya sa tuwing magkasama kaming dalawa. Kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin. Alam ko yon dahil ramdam ko.
Ramdam na ramdam kong mahal niya ako.
Madalas namin gawin ang mga bagay bagay ng magkasama.
Mag mall, mag luto, kumain, manuod ng sine, mag out of town, manuod ng cultural shows at subukan ang mga bagay na pareho naming hindi pa nagagawa. Pinili naming gawin ito ng kasama ang isa't isa dahil gusto naming maging espesyal ang mga unang pagkakataon sa aming buhay.
* * *
"Sabihin mo na saknya!" Pabulong na banggit ni Austin
"Hindi pwede. Mahal ko siya. At bakit ko pa kailangang sabihin?" Mariing sagot NIYA
"Ah! at ako? anu ako sayo? Laruan mo? Pumayag akong kumabit sayo dahil mahal kita!"Austin
"Hindi... Hindi ganun. Sa una pa lang alam mo naman ang dahilan ko di ba?"
"Oo. Noon... pero ngayon, hindi ko na kayang itago. Nakakasakal. Para akong Kriminal. Nakaka paranoid. Pakiramdam ko laging may nakatingin sakin.... Lahat dapat patago. Lahat dapat sikreto. Ayokong mabuhay ng ganito. Ayokong mamuhay sa kasinungalingan. Nakakapagod!"
Umupo si Austin sa kama.
"Sabi mo noon, mahal mo kaming dalawa kaya mo ko niligawan. Nabulag ako kaya kahit alam kong kayo ng kaibigan ko pumayag ako. I took all the risks without thinking of the possible consequences. I even forget that you're my friend's boyfriend. Kinalimutan kong boyfriend ka ni Rusell. Sabi ko sa sarili ko kakayanin ko dahil mahal kita pero ngayon...... Ayoko ng magtago" Patuloy ni Austin habang hawak ang kamay NIYA.
"Wag ka masyadong sumigaw baka marinig niya tayo" Bulong NIYA
Noon pa man alam ko ng may namamagitan sa kanilang dalawa. Alam ko naman eh. Ramdam ko yon.
Hindi ko na lang pinansin dahil wala namang nagbago sa aming dalawa. Ramdam ko pa rin naman kasing mahal niya ako.
Ayoko lang aminin noon sa sarili ko. Takot ako. Takot akong marinig ang katotohanan.
Ngayon nasa harap ko na ang totoo, wala na akong ibang magawa kundi ang tanggapin ito.
Masakit. Sobrang Sakit. Pakiramdam ko pinag tripan ako ng mundo. Pakiramdam ko trinaydor ako ng sangkatauhan.
Nahilo ako.. Lumabo ang mga paningin ko.
Nakita ako ni Austin.
* * *
Wala akong maalala. Nakahandusay ako sa sahig.
Dinilat ko ang aking mga mata.
Tinignan ko ang mga kamay ko.
.....
Puro dugo ang palad ko.
Mahapdi.
May narinig akong ingay
Tumingala ako
Nakita ko SIYA at si Austin. Inintindi ko ang mga kilos nila. Ang galaw ng kanilang katawan.
Hawak ni Austin ang isang basag na bote.
Hinila NIYA ako papalayo kay Austin.
Walang lumalabas na salita sa mga bibig ko
Hindi ako makapagsalita. Nakatitig lamang ako sa KANYA
Natataranta SIYA.. Hindi niya alam ang gagawin NIYA.
Ngumiti ako sa kanya, gusto kong iparamdam sa kanyang okay lang ako. Ngumiti ako para ipahiwatig sa kanya ito.
Sumenyas ako ng 1.... 2... 3...
Tumango siya. Naalala niya ang senyas na iyon. Naalala niya ang first aid na itinuro ko sa kanya.
Tumango ako... Ngumiti.... 1
"Huhugasan ko ng tubig ang mga kamay mo"
Ngumiti ako... 2
"Hahanapin ko kung may bubog sa palad mo.. dahan dahan kong aalisin"
Tumango ako... 3
"Apply pressure"
Tumango uli ako... 4
"Elevate ko kamay mo, kelangan mas mataas sa puso mo di ba?"
Ngumiti ako.
Sa mga oras na iyon... wala akong ibang nakikita kundi siya. Wala akong ibang naririnig kundi siya. Wala akong ibang tinitignan kung hindi ang mga mata niya. Kahit alam kong nagkasala siya sa akin.... ramdam kong mahal pa rin niya ako.
* * *
Nagising akong naghuhumikahos.
Mabilis ang tibok ng puso ko.
Puro kaba ang nararamdaman ko.
* * *
Tweet: Hey! want a cup of coffee? Nagising ako eh di na uli makatulog.
Tweet: Sure :)
Disclaimer:
Hindi totoo sina Austin at NIYA pero may Austin at NIYA. Confused? Don't worry sinadya ko yan.
Thursday, June 27, 2013
6/23/2013
6/23/2013
This month marks our 12th Anniversary
checked in at Marriott Hotel.
Very timely.
5+4+3= 12
Dinner at Cafe Republiq
Table# 12
Charot
One measure of friendship consist not in the number of things friends can discuss,
but in the number of things they need no longer mention.
If only I have other options....
I still want to be their friends.
Different personalities
Come together
One Friendship
Lasted for 12 years
And
still counting.....
* * *
Sana next year kumpleto na kami. Yung maka naka base sa SG and Las Vegas sana makauwi to celebrate our 13th :)
Wednesday, June 26, 2013
Regrets
Browsing my blog followers
Can't stop thinking about those people I've been close with
I miss them
And now
I'm starting to realize
What have I done?
Friday, May 17, 2013
Monday, April 29, 2013
What would you do?
"Silence is one of the failures in people"
What would you do if you see a homeless guy on a street got beaten up? Or if you heard a parent in a restaurant telling his gay son that being gay is a disease and can cured and prayed away? Or a transgender being verbally harassed and refused to be served in a cafe because he's transgender?
Hello Everyone!
I have another video for you but this time it's an eye opener for everyone kasi it tackles different social and political issues. You'll be more aware of what's 'really' happening in our society.
It was introduced by a friend and somehow it moved me so I'm sharing it with you guys.
This is a socal experiment. A segment in ABC news.
Sana magkaroon din tayo ng ganito dito sa pinas. Para naman maging open ang kaisipan ng mga pinoy at makilala din natin ng lubusan kung ano ang tumatakbo sa lipunan natin. Disappointing lang isipin na ang media natin ay takot i-discuss ang mga ganitong taboo issues.
On the other hand, after watching several episodes of this segment I come to realize that If you think US are more open minded, liberated and more accepting... then you're wrong! Did you know that there are 29 states in the US that can "legally" refuse service (Restaurants, Diner, Grocery stores etc.) to gay people though I don't know if this has been changed.
It fascinating to see how people's reaction differs when a certain detail on a specific scenario was changed. You'll see how people react and not react to the situation if a specific detail like gender, place, tools etc are changed.
Wanna know what I'm talking about?
Thursday, April 25, 2013
Blonde Biatch Talk
Kung may nagpapasikat sa pamamagitan ng pangti-trip sa ibang tao gaya ng prank call ni Allan Soriano at nung Beki na nag gi-gwiyomi... on the other side of the world wide web mayroon din namang nais mag patawa sa pamamagitan ng pagiging muang tanga... echos!
Enjoy!
Nakakatawa naman sila actually. tawa ako ng tawa sa kanila at aliw na aliw ako sa kanila.Yung pagiging annoying nila at kaartehan hindi nakakainis kundi nakakatawa at nakakaaliw. Hahaha!
Mga friends ata ni Ruffa G. itey.
Lels :p
Tapos kahit sila natatawa sa sarili nila. hehe! Pero hindi ko masyadong na gets yung Walking Closet ang ingay kasi tumawa kalerks. Anu ba sabi?
Tuesday, April 23, 2013
Pinaka-aabangan
Minsan... actually madalas, kapag wala akong ginagawa sa office browse browse lang ako sa net. Kung saan saan napupunta. Madalas din ako manood ng series at ng movies sa office lalo na pag sunday since wala naman ako masyado ginagawa. Eh kaka-nood ko eh nakakuha na din ako ng mga impormasyon ng mga upcoming movies.
Kaya heto share ko sa inyo ang mga pinakaaabang na movies ngayong taon or sa mga susunod na taon/buwan.
Heto ang aking top 5
TOP 5 "MOST" MOVIES
Disclaimer:
Prediction ko lang yung mga "most most" nila base sa trailer and story.
5. Monster University (Most Hilarious)
- Prequel ng Monsters Inc. I can say, funny talaga si Mike Wazowski at nadagdagan pa ng mga ibang characters na nakadagdag sa kalokohan ni Mike.
Favorite ko yung "I cant be late on my first day"
Wahahahaha!
4. The Call (Most Thrilling)
- Kala ko nung una tungkol sa isang call center agent hindi pala.
3. The Purge (Most Interesting)
- One night every year.... Crime becomes legal.
2. Hours ( Most Inspiring)
- I'm betting na this movie will be nominated sa Oscars.
1. The Conjuring (Most Terrifying)
- I dare you watch this movie
ALONE!
Thursday, April 18, 2013
Walking away
"What are you crying for, when its just a feeling. God knows you can get through this"
I am walking away and moving on.
Moving on from everything that's hurting me.
I am walking away and moving on.
Life is too short to be miserable.
I'm walking away and moving on.
I don't want to drown and punish myself anymore.
I'm walking away and moving on
I'm not gonna chase after you anymore
I'm walking away and moving on
I'm walking away and rising above.
*For those that can't forgive and forget.
And for that special someone to whom I dedicated myself for one year...... You know who you are.
Monday, April 15, 2013
Thailand
Share ko lang tong video ng friend kong sila Ronnie and Kay nung nag Bangkok sila last year.
Nakakatawa kasi yung mga side comments neto ni Kay amputa!
Hahahahaha!
Pati ako nadamay sa video na yan shet! pero nakakatawa talaga. lakas ng halakhak ko.
Okay medyo OA na yun pero nakakatawa talaga.
Explain ko lang ah... ginagaya ko kasi yung accent ng mga thai tapos kung anek anek lng sinasabi ko basta yung tono parehong pareho nila. pag niloloko ko sila gumaganun ako kaya ayan naalala nila ko nung nakarinig sila ng ganun dun. haha!
Sorry video na naman ang post ko. Ewan ko ba sabaw talaga ang utak ko these past few months.
Marami namang ganap ang interesting na nangyayari sa buhay ko hindi ko lang talaga alam kung paano ko iku-kwento o dapat ko bang ikwento sa blog ko.
Katulad ngayon hindi ko alam kung paano ko ito tatapusin
kaya bigla na lang mawawala.......................................
Nakakatawa kasi yung mga side comments neto ni Kay amputa!
Hahahahaha!
Pati ako nadamay sa video na yan shet! pero nakakatawa talaga. lakas ng halakhak ko.
Okay medyo OA na yun pero nakakatawa talaga.
Explain ko lang ah... ginagaya ko kasi yung accent ng mga thai tapos kung anek anek lng sinasabi ko basta yung tono parehong pareho nila. pag niloloko ko sila gumaganun ako kaya ayan naalala nila ko nung nakarinig sila ng ganun dun. haha!
Sorry video na naman ang post ko. Ewan ko ba sabaw talaga ang utak ko these past few months.
Marami namang ganap ang interesting na nangyayari sa buhay ko hindi ko lang talaga alam kung paano ko iku-kwento o dapat ko bang ikwento sa blog ko.
Katulad ngayon hindi ko alam kung paano ko ito tatapusin
kaya bigla na lang mawawala.......................................
Thursday, April 11, 2013
Trending
Ewan ko ba kung bakit ngayon ko lang nalaman tong move your body na to at kung bakit ngayon lang ako na hook dito. Naging flash mob dni pala siya sa ibat ibang lugar at ibat ibang tao na din pala ang gumawa nito sa youtube. Ang kyut kasi ng beat niya nakaka hype at nakakataas ng energy parang ang sarap mag aerobics. hehe!
Salamat kila Johnny and Kevin sa kanila ko kasi nalaman to :)
Kyut nila noh? I think they're together. As in together together.
Eto naman yung ibang vids na nakita ko.
Ang astig nitong kasal na to
Si ate hataw na hataw kahit naka wedding dress.
Gusto ko may ganyan din sa kasal ko *winks*
Tapos eto pa.. Kyut mag dougie nung nag iisang guy.
At since napag uusapan na din naman natin ang mga youtube vids na yan... eh pakita ko na din ang pinaka kyut na gwiyoming nakita ko
Mag ki-kiss sila. #AlamNa
Tinignan ko ibang vids nila and couple nga ata sila.
Haaaay life. kakainggit. Gusto ko din ng ganyan yung sasabayan ang kabaliwan at kalokohan ko sa buhay. hehe!
Hot Gwiyomi
Ayan. yan ang latest sakin.
Ang boring ng life ko noh? Loser?
Hahaha!
Salamat kila Johnny and Kevin sa kanila ko kasi nalaman to :)
Kyut nila noh? I think they're together. As in together together.
Eto naman yung ibang vids na nakita ko.
Ang astig nitong kasal na to
Si ate hataw na hataw kahit naka wedding dress.
Gusto ko may ganyan din sa kasal ko *winks*
Tapos eto pa.. Kyut mag dougie nung nag iisang guy.
At since napag uusapan na din naman natin ang mga youtube vids na yan... eh pakita ko na din ang pinaka kyut na gwiyoming nakita ko
Mag ki-kiss sila. #AlamNa
Tinignan ko ibang vids nila and couple nga ata sila.
Haaaay life. kakainggit. Gusto ko din ng ganyan yung sasabayan ang kabaliwan at kalokohan ko sa buhay. hehe!
Hot Gwiyomi
Ayan. yan ang latest sakin.
Ang boring ng life ko noh? Loser?
Hahaha!
Monday, March 4, 2013
Stupidity
"Less talk, less mistake" yan ang kadalasang advice na maririnig mo sa mga kaibigan mo kung ikaw ay magkakaroon ng job interview.
And this is her Job Interview.
She said:
"pero yung amin po sinasabi po namin sa kanila na actually hindi naman kelangan ang nurse na matapos nung BSN. kasi itong ating mga nurses eh gusto LANG nila maging "room" nurse o sa Amerika at sa other countries anu lang sila yung mag aalaga. Hindi naman sila kelangan Ganung kagaling..."
Mrs. Villar, I think it's better if you just shut the fuck up and revoke your candidacy. Here are the reasons why...
1. Clearly you don't know what you're talking about.
2. You just insulted and degraded our profession
3. You disrespected the nursing profession not just once but four times.
first "hindi naman kelangan ang nurse na matapos nung BSN."
Second "kasi itong ating mga nurses eh gusto LANG nila maging "room" nurse.
Third "sa Amerika at sa other countries anu lang sila yung mag aalaga."
Fourth Hindi naman sila kelangan Ganung kagaling.
I must say, pag aralan mo muna ang anatomy and physiology. yung simula sa pagdilat ng mata mo hanggang sa pagdaloy ng dugo mo sa buong katawan mo papunta diyan sa frontal lobe ng utak mo which I guess is altered. (frontal lobe of the brain is associated with reasoning), ang different actions and side effects ng iba't ibang drugs specifically meds for psyche patients. Master the Normal readings of ECG. Yung P, Q, R, S, T waves bago mo sabihin yang mga pinagsasabi mo.
4. You are full of shit
5. You definitely have third world and crab mentality.
lastly,
You look stupid in your red dress.
And for the record, hindi lang kami basta nag aalaga ng patients. WE SAVE LIVES.
And oh by the way, Nurse nga pala ang unang nakahawak, alaga at nag protect sayo simula nung iniluwal ka ng nanay mo sa mundo. Unless na lang kung sa kumadrona ka pinanganak.
AND
There is no such thing as "room" nurse. Sana bago niyo isinumiti yan sa CHED sana nag research ka muna.
Basa basa din madam
*Pasensya na ah pinag iinit ng bitch na to ang ulo ko eh.
Monday, February 18, 2013
Superbowl at Obar Ortigas
Obar's newest attraction. Beyonce's Superbowl Halftime performance. Kahit ilang beses ko na siya napanood hindi pa din talaga ako nagsasawa. Ang galing galing! Para akong nanonood ng live concert ni Beyonce.
From live audio, to choreo, to synchronization of lights, to energy hanggang sa audience impact. Beyonce experience talaga.
Pasensya na kayo kay Michelle ah may jetlag pa ata e. Hahaha! Echseli hindi talaga siya yung original na dapat nandiyan yung nag Michelle kasi may number before that nag Rihanna siya --Diamanods. Eh ayaw niya siguro mag cram mag palit ng costume ek ek kaya iba yung nag Michelle.
Pasensya na din kung sa bandang huli medyo di na stable yung cam nangangawit na ko eh. Hahahahaha! Hirap kaya i-angat ang kamay sa ere habang nag re-record tapos dagdagan mo pa ng mahigpit na base sa pagtayo kasi nabubungo ako ng mga sumasayaw sa paligid ko so mega steady lang ako. Hahaha!
Galing noh?! :)
Friday, February 15, 2013
Kung inaakala mo
Hirap kasi gumawa ng surprise sa taong gusto mo pag milya ang layo niya sayo eh. Halos wala akong magawa o maisip para i-surpresa ka ngayong Valentines day.
Isa pa, alam kong may tampo ka sakin. Nag uusap nga tayo pero ramdam na ramdam ko yung lamig eh. Alam ko minsan talaga sumo-sobra yung pagiging seloso ko eh anung magagawa ko ang gwapo mo (Yihee!) at ang daming umaaligid sayo. Eh alam mo naman bao bao na seloso talaga ako eh kaya pag pasensyahan mo na ako kung paminsan minsan eh hindi ko makontrol ang pagseselos ko. Eh alam mo naman yung rason diyan kung bakit ako nag seselos pero huwag kang mag alala. Dahil alam kong pinaka ayaw mo yung pagseselos at turn off sayo eh ginagawa ko ang lahat para baguhin yon. Sa katunayan nga paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na di dapat ako mag selos. Sabi mo nga noon trust and loyalty. Sa tuwing makakaramdam ako ng selos paulit ulit kong iniisip yan. Tsaka di naman lahat pinag seselosan ko dalawang tao lang naman sila. Kilala mo na yun kasi natanong ko na siya sayo dati eh *winks*
Sorry bao bao ah wag ka na magtampo sakin ah... Ngiti ka na please? :)
Anyway, hindi ko talaga alam kung anung gagawin ko para i-celebrate ang valentines kasama ka. Kaya dito na lang sana bilang dito tayo sa dimensyong ito nagkakilala.
Hindi ko talaga alam kung bakit ikaw ang una kong naisip nung una kong narinig tong kantang to pramis. Tapos pinakinggan ko yung lyrics at inunawa ang mensahe ng kanta. Kaya heto hinimay himay ko ang lyrics ng kanta.
Verse:
Naalala ko paNung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang ang ‘yong mga ngiti
Naalala mo ba yung pagnanakaw ko ng mga pic mo sa fb mo? Hehe! Tapos, di ba nagtxt pa ako sayo nun sabi ko grabe ka wala ka ng mata pag ngumingiti ka :)
At Ika’y sasabihan
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo
Bukas ng alas siyete sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo
Di ba noon nung wala ka pang work lagi tayong magkausap sa phone at magkausap sa YM. Yun ang nagmimistulang tagpuan natin. Yung portal sa telepono between you and me. Yun yung mga glorious days ko kasama ka (Metaphorically)
Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa’yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko
Ikaw kasi yung tipong hindi pala txt kung nasan ka at kung anung ginagawa mo tapos milya pa ang layo natin sa isat isa. Kung mapapansin mo noon hindi ko siya masakyan. Txt ako ng txt sayo halos lahat na lang ng ginagawa mo tinatanong ko pero ngayon, natutunan ko na siyang tanggapin na hindi ka ganon. Sinubukan ko siyang tanggapin dahil yun ka e. :)
Chorus:
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ‘ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko
Yung mga panahong naghiwalay tayo. Matagal tagal din yun. Ilang buwan din yun. Sabi ko babalik ako pag okay na ako.... kaya heto ako ngayon. Pilit ko pa din ipinapadama at pinapakita sayo ang nararamdaman ko. Alam mo na rin naman siguro na kaya kong maghintay. Basta para sayo
Verse:
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin
Naalala ko pa
Nung pinapangarap pa lamang kita
Hahatid, susunduin
Kahit mga bituin aking susungkitin
Napagusapa natin to noon di ba. Yung nagpa-plano tayo pag lumipat ka na dito. Tapos sabi ko pa pupuntahan kita lagi sa inyo at dadalan ng pagkain since independent ka tapos ikaw sabi mo ihahatid mo ko sa office.
Bridge:
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Araw-araw kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Kitang liligawan
Haharanahin ka lagi
Wala atang araw na hindi ko sayo naipadama ito. Ikaw lang naman tong may doubts pero naiintindihan ko :) sinubukan koing makipag date sa iba't ibang tao sabi mo kasi lumabas ako and see the world. however.... wala e. gravity always pulls me back to you. naks! Halos mag iisang taon na nga pala akong nanliligaw sayo :p
Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko.
Ang pag-ibig ko’y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na kumulubot ang balat
Kahit na hirap ka nang dumilat
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na ako marinig
Ikaw parin(ikaw pa rin)
Ang buhay ko.
Yan siguro ang mga dahilan kung bakit ikaw ang una kong naisip nung narinig ko ang kantang yan. Ikaw ang dinikta ng Dopamine and Norepinephrine ko. Ikaw ang binabanggit ng Commitment Neuromodulator ko.
Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang unang pumasok sa isip ko. This is our story...
HAPPY VALENTINES DAY :)
Ngayon alam ko na kung bakit ikaw ang unang pumasok sa isip ko. This is our story...
HAPPY VALENTINES DAY :)
*But wait.... There's more
Friday, February 8, 2013
Becoustic
Adik na adik ako ngayon sa mga acoustic covers ngayon. Ang sarap kasi nila pakinggan. chill chill lang, relak relak ganyan tamang senti lang ang peg ko ngayon. Hehe! Kaya naman ang beki e todo ang hanap ng mga iba'i ibang acoustic covers sa YouTube at mega convert at upload.
Nga pala, hirap nila i-arrange ah lahat kasi maganda kaya ang naging basehan ko na lang eto
ganda ng boses nila + style sa pagkanta + arrangement ng song to make it sound new / looks x talent = Brand new song. Tsaka dapat pala gitara lang ang gamit nilang instrument at raw ang pag re-record hindi na enhance. (per song po ang entry hindi per artist. hehe!)
Kaya heto ang aking top 10:
10 . Everytime I close my Eyes (Babyface) - Aj Rafael and co.
Blending and harmony pa lang nila kuha na nila agad ang atensyon mo. Ganda pang harana this Valentines day.
9. Believe (Justin Bieber) - Tam Duong
I never liked Justin's songs pero dahil sa kanya gusto ko na yang believe.
8. Love (Keyshia Cole) - Patrick
Binigyan ng batang ito ang kulay ng buhay ko. choz!
Though medyo may pagka alternative rock yung quality ng boses niya nabigyan pa din niya ng justice yung kanta na RnB love song
7. Cry me a river (Justin Timberlake) - Patrick
Siya uli. Magaling talaga ang bata sa pag re-revise ng arrangement ng mga rnb songs eh.
6. Gone (NSync) - Joseph Vincent
Si Joseph Vincent uli. Justin Timberlake voice like. Galing!
5. Drive myself crazy (NSync) - Joseph Vincent
Nabanggit ko bang magka barkada sila ni Jason Chen another youtube star.
4. I wanna know (Joe) - Kent Melendez
Astig ng paglalaro niya ng chords sa gitara. Medyo kulang sa boses pero yung over all rendition niya... thumbs up! Mas maganda yung cover niya ng One last cry pero di ko ni download nakakaiyak eh tsaka snippet lang yun eh.
3. I do, Cherish you (98 degress) - The Avantism
Ang solemn lang.
2. Edge of desire (John Mayer) - Johnoy Danao
Sa sobrang ganda parang siya yung original na kumanta ng song. Well, Johnoy Danao is Johnoy Danao. Ang star sa Indie at underground singers.
1. If I ain't got you / Love (Alicia Keys/ Musiq Soulchild) - Josh Lehman
Pinaka malamig na boses na narinig ko ever! Mas maganda yung cover niya ng One Last Cry kaya lang di ko ni download nakakaiyak eh. hehe!
Kulang pa nga yang top 10 na yan eh dahil marami pa silang mga magagaling at talented. I just have to break it down to 10 kasi masyado silang marami mga 20 plus ganun.
Kayo sinong bet niyo?
Tuesday, January 8, 2013
Jason part 4 (Unfortunately)
After our first date. Me and Jason hadn't had much time to talk or to see each other or even exchange sms becasue of Christmas vacation. Me, sa work siya umuwi ng Lucena. Paminsan minsan na lang kami mag usap sa txt. Siguro twice a week na lang kami mag usap sa txt. I felt secured nasa province siya eh anu naman ang gagawin niya dun di ba? Isa pa, pinakilala na niya ko sa family and friends niya so....
Unfortunately,
Plan B lang pala ako.
Just saw this on FB
Saw the comments.
Confirmed. Sila na nga.
Nag like ako sa mga ibang pics.
Para di naman ako mag mukang kawawa at bitter. haha!
Oh well, maybe this is the reason why I didn't give in kaagad agad sa kanya.
I always knew there is something wrong with him.
And now I have found the reasons for my doubts.
I was saved.
My only problem is.....
What could be the effects of this subconsciously.
I think I just have to convince myself that this is not my fault.
That I have nothing to do with this betrayal.
......
Story of Jason ends here.
"This is why we call people exes, I guess - because the paths that cross in the middle end up separating at the end. It's too easy to see an X as a cross-out. It's not, because there's no way to cross out something like that. The X is a diagram of two paths."
- Will Grayson, Will Grayson
*This is the reason why there's such a thing called dating.
Thursday, January 3, 2013
Re-evalutation part1
"My thoughts are stars I cannot fathom into constellations"
-The fault in our Stars
Noong 2010, bago matapos ang taon gumawa ako ng forecast para sa susunod na taon. 2011. Matapos ang isang taon eh hindi ko na siya nabalikan ni hindi ko man lang siya na-check kung may mga nagawa ba ako sa listahan o wala kaya ngayon tignan natin kung meron ba akong mga nagawa sa listahang yon.
1. Mag resign at lumipat ng company - check
- Mas gusto ko na ang trabaho ko at ang ginagawa ko ngayon kesa noon. at least walang calls. skills required eh hindi na lang about sa english communication. Critical thinking, Analyzation, Judgement (Policies), Responsiblity, Time management, Daily reports at kung anek anek pa. Diyan umiikot ang job description ko. yun nga lang ang workload and responsibility pang upper management na pero ang salary--- plangak! bagsak presyo. hahaha!
2. Manuod ng sine mag isa - check
- Eto na try ko na. May mga tips akong bibigay sa inyo para hindi niyo maranasan ang nangyari sakin. Epic fail. Haha! Tip no.1 Mag research sa balak mong panoorin na palabas. huwag sabak ng sabak. Isipin kung maari bang panuorin ito kahit mag isa lang. Hal. kung horror wag manood mag isa para hindi ka nagugulat mag isa. awkward yun sa mga katabi mo. Kung romance naman, kalimutan mo na made-depress ka lang kasi single ka at mag isa ka pang nanunuod ng movie. Kung comedy naman. kung bet mo tumawa ng malakas mag isa go lang pero wiz share ng happenings sa katabi. sarilinin mo na lang. Tip no. 2 Kung mag sure seats ka pag aralan mabuti kung saan naka puwesto ang seat mo. Wag shonga shonga sa directions para walang nawawalan ng seat. Buwahahahaha! Sorry sa couple na nawalan ng seat dahil sakin. hihi!
3. Go domestic - ekis
- I realized this is not the right time for travelling. Ayoko mapadpad sa islang isla na saktong sakto lang ang dalang pera. Alam niyo na ibig kong sabihin ah
4. Gym - check
- Pumayat naman ako kaya lang nung pumasok ang 'ber' months eh naging busy na ako at di na nakaka visit sa gym kaya medyo tumataba na uli ako pero babalik naman ako pag stable na yung di na ko nag o-oty sa office.
5. Magkaroon ng savings at magtipid - ekis
- Taon taon ko na lang sinasabi to eh wala naman nagbabago hindi ko rin nagagawa. Kaya ngayon eto na ang mantra ko when it comes to money and buying. "I will not deny myself to the simpler pleasures in life" char!
6. No more drama - ekis
- C'mon! let's be realistic. Hindi maiiwasan yan. its like Oblivion -- inevitable.
Subscribe to:
Posts (Atom)


.jpg)







.jpg)









