Colledimacine
Colledimacine | |
|---|---|
| Comune di Colledimacine | |
| Mga koordinado: 42°0′N 14°12′E / 42.000°N 14.200°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Abruzzo |
| Lalawigan | Chieti (CH) |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Graziano Di Berardino |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 11.3 km2 (4.4 milya kuwadrado) |
| Taas | 770 m (2,530 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 188 |
| • Kapal | 17/km2 (43/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Colledimanicesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 66010 |
| Kodigo sa pagpihit | 0872 |
| Saint day | Agosto 11 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Colledimacine (Abruzzese: Còlle de Màcene) ay isang komuna at bayan sa lalawigan ng Chieti sa rehiyon ng Abruzzo sa timog-silangang Italya.
Pinagmulan ng pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang unang bahagi ng pangalan ay nagmula sa Latin na collis na nangangahulugang "mataas na lupa", habang ang pangalawang bahagi ay mula sa Latin na macina.[3]
Mga monumento at tanawin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Arkitekturang relihiyoso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dating Simbahan ng San Rocco: matatagpuan sa Piazza Barbolani, sa tapat ng palasyo na siyang nagbigay ng pangalan sa plaza. Ang simbahan ay kasalukuyang tirahan ng arsipreste. Ang mga bukana at portada nito ay tila nagmula sa medyebal na panahon. Ang mga dingding ay gawa sa kalisang biselada, habang ang mga batong panulok ay gawa sa mga silyar na bato. Ang inukit na portadang bato at ang mga labi ng mga monopore sa orihinal na harapan ng simbahan ay nagpapatunay sa katotohanan na ang nayon ay tinirhan na mula pa noong Gitnang Kapanahunan. Walang mga mapagkukunan na nagpapatunay sa eksaktong petsa ng pagtatayo ng gusali, gayunpaman, ang isang inskripsiyon sa tore nito ay naglalaman ng isang dedikasyon mula noong 1874, na may eksaktong mga salita:[4]
IL CONTE RAFFAELE ULISSE BARBOLANI AL SUO PAESE (Konde Raffaele Ulisse Barbolani sa Kaniyang Bansa)
Simbahan ng San Nicola di Bari: matatagpuan katabi ng Palazzo Barbolani. Iba't ibang teorya ang nagmumungkahi na ang gusali ay itinayo noong ika-18 siglo. Ang pasukan ay nauuna sa isang engrandeng hagdanan. Ang pangunahing patsada ay may agilon na estruktura. Sa itaas ng portada ay mayroong isang eskudo de armas at isang pabilog na bukana. Ang loob ay may tatlong nabe, kung saan ang pangunahing nabe ay may mga bobedang kanyon at mga luneta na katumbas ng mga koneksiyon sa mga nabe sa gilid. Ang abside ay matatagpuan sa dulo ng gitnang nabe. Sa loob, naroon din ang mga estatwa ng Madonna delle Coste, ng San Nicola at ng Sant'Emidio; ang patron ng bayan ay si San Mariano.[5]
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ AA.VV. (2004). "Colledimacine e la sua storia (1ª parte)". Portale Sangroaventino. Nakuha noong 20 dicembre 2009.
{{cite web}}: Check date values in:|access-date=() Naka-arkibo 2019-01-31 sa Wayback Machine. - ↑ AA.VV. (2004). "Torre dell'Orologio (o Campanaria) ed ex Chiesa di San Rocco (Palazzo Dell'Arciprete)". Portale Sangroaventino. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 marzo 2016. Nakuha noong 20 dicembre 2009.
{{cite web}}: Check date values in:|access-date=at|archive-date=(); Invalid|url-status=sì() Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. - ↑ AA.VV. (2004). "Chiesa di San Nicola di Bari". Portale Sangroaventino. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 dicembre 2018. Nakuha noong 20 dicembre 2009.
{{cite web}}: Check date values in:|access-date=at|archive-date=(); Invalid|url-status=sì() Naka-arkibo 2018-12-06 sa Wayback Machine.
