Pumunta sa nilalaman

Kasyiwasaki

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang lugar na sakop ng kasalukuyang bayan ng Kashiwazaki ay bahagi ng dating Lalawigan ng Echigo at umunlad bilang hintuan sa daanang Hokuriku-dō. Sa pamumuno ng shogunatong Tokugawa noong panahong Edo, nahati ang lugar ng Kashiwazaki sa mga bahaging pinamamahalaan ng dominyo ng Shiiya, isang maliit na dominyong fudai sa ilalim ng pamumuno ng angkang Hori. [1] Samantala, may iba ring mga bahagi na naging tenryō, teritoryo na direktang saklaw ng shogunato, o naging eksklabe ng ibang mga dominyo tulad ng Kuwana sa lalawigan ng Ise; Kaminoyama sa Mutsu; at Nagaoka at Yoita sa Echigo. Bahagi ng lupaing pag-aari ng dominyo ng Kuwana ang teritoryo ng pre-modernong pamayanan ng Kashiwazaki. Noong 1889, sa gitna ng panahong Meiji, itinatag ang sistemang munisipal. Dulot nito, naging bayan ang Kashiwazaki bilang bahagi ng distrito ng Kariwa sa prepektura ng Niigata noong Abril 1 ng naturang taon. Nitong panahon din natuklas ng petrolyo sa lugar at siyang nagdulot ng paglago ng lokal na ekonomiya at pagdami ng populasyon. Noong Hulyo 1, 1940, itinaas muli ang Kashiwazaki at naging ikalimang lungsod na itinatag sa Niigata.

Noong Nobyembre 1, 1968, kinupkop ng Kashiwazaki ang nayon ng Kurohime, at sinundan ng bayan ng Kitajō noong Mayo 1, 1971 (parehong mula sa distrito ng Kariwa ). Sumunod, noong Abril 1, 1989, ibinuklod sa lungsod ang bahagi ng bayan ng Kakizaki sa distrito ng Nakakubiki, at noong Mayo 1, 2005, pati na rin ang mga bayan ng Nishiyama at Takayanagi (pareho namang mula sa Kariwa). [2] [3]

Lindol noong 2007

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Hulyo 16, 2007, isang lindol na may magnitud na 6.8 ang tumama sa baybayin ng Kashiwazaki. 11 katao ang namatay, [4] at mahigit 700 ang sugatan. Nagdulot din ito ng matinding pagkawala ng kuryente, pagtaas ng babala ng tsunami, at iba pang mga sakuna. Dulot din ng lindol, natigil ang operasyon ng Kashiwazaki-Kariwa Nuclear Power Plant. [5] [6] Inabot ng 21 buwan bago bumalik sa operasyon ang ilan sa mga yunit nito.

  1. ↑ 椎谷藩 [Shiiya Clan]. asahi-net.or.jp (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong May 10, 2017. Nakuha noong March 14, 2019.
  2. ↑ 椎谷藩 [Shiiya Clan]. asahi-net.or.jp (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong May 10, 2017. Nakuha noong March 14, 2019.
  3. ↑ 住民基本台帳人口移動報告年報 [Annual Report on Population Movement in the Basic Resident Register] (sa wikang Hapones). 総務庁統計局. 2005. p. 139. Takayanagi-machi and Nishiyama-machi were incorporated into Kashiwazaki-shi as of May 1, 2005.
  4. ↑ 椎谷藩 [Shiiya Clan]. asahi-net.or.jp (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong May 10, 2017. Nakuha noong March 14, 2019.
  5. ↑ 椎谷藩 [Shiiya Clan]. asahi-net.or.jp (sa wikang Hapones). Inarkibo mula sa orihinal noong May 10, 2017. Nakuha noong March 14, 2019.
  6. ↑ 住民基本台帳人口移動報告年報 [Annual Report on Population Movement in the Basic Resident Register] (sa wikang Hapones). 総務庁統計局. 2005. p. 139. Takayanagi-machi and Nishiyama-machi were incorporated into Kashiwazaki-shi as of May 1, 2005.