Alga
Ang alga ay anumang malaki at samu't saring grupo ng mga organismong potosintetiko. Liban dito ang mga halamang lupa (embriyopita). Ang mga organismo ay sumasaklaw sa mga mikroskoping uniselular na mikroalgas (kabilang ang siyanobakterya at pitoplankton) hanggang sa mga damong-dagat, multiselular na makroalga na maaaring tumubo nang 50 metro (160 tal) sa haba. Karamihan sa mga alga ay akwatiko (lalo na ang marino), at iba ay nakabubuo ng mga lubos na kolonya. Kabilang sa mga alga sa tubig-tabang ang Charophyta gaya ng pilamentosong Spirogyra at ang maladamong charales. Kalakhan ng mga alga ay plankton na dinadala nang pasibo ng tubig, habang ilang makroalga ay may risoyde.
Mga gamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Biolangis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Upang maging mapagkumpitensiya at malaya mula sa pabago-bagong suporta mula sa (lokal) na patakaran sa katagalan, dapat pantayan o malampasan ng mga biolangis ang antas ng gastos ng mga langis na mula sa posil. Dito, ang mga panggatong na nakabase sa algae ay may malaking pangako,[1][2] na direktang nauugnay sa potensiyal na makagawa ng mas maraming biomass bawat unit area sa isang taon kaysa sa anumang iba pang anyo ng biomass. Ang puntong break-even para sa mga biolangis na nakabase sa alga ay tinatayang mangyayari pagsapit ng 2025. [3]
Sa kultura ng tao
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ikatlong isla sa Lawa ng Kunming sa Palasyo ng Tag-init ng Beijing ay tinatawag na Zaojian Tang Dao (藻鑒堂島). Ang pangalan ay nagmula sa klasikal na karakter na Tsino na 藻, na nangangahulugang parehong "alga" at "talento sa panitikan." Dahil dito, ang pangalan ng mga isla ay maaaring isalin sa alinman sa "Isla ng Bulwagan sa Pagtanaw sa Algae" o "Isla ng Bulwagan para sa Pagninilay sa Talentong Pampanitikan." [4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Chisti, Y. (May–Jun 2007). "Biodiesel from microalgae". Biotechnology Advances. 25 (3): 294–306. doi:10.1016/j.biotechadv.2007.02.001. PMID 17350212.
- ↑ Yang, Z. K.; Niu, Y. F.; Ma, Y. H.; Xue, J.; Zhang, M. H.; Yang, W. D.; Liu, J. S.; Lu, S. H.; Guan, Y.; Li, H. Y. (4 May 2013). "Molecular and cellular mechanisms of neutral lipid accumulation in diatom following nitrogen deprivation". Biotechnology for Biofuels. 6 (1): 67. Bibcode:2013BB......6...67Y. doi:10.1186/1754-6834-6-67. PMC 3662598. PMID 23642220.
- ↑ Wijffels, René H.; Barbosa, Maria J. (2010). "An Outlook on Microalgal Biofuels". Science. 329 (5993): 796–799. Bibcode:2010Sci...329..796W. doi:10.1126/science.1189003. PMID 20705853.
- ↑ Marques, Patricia (2017). Essentials Of Microbiology (ika-1st (na) labas). Arcler Education Inc. p. 212. ISBN 978-1-68094-529-4.